Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

FULLCLIP Lyrics by Apekz, Flow G

2024

[Chorus: Flow G, Apekz]
Wala 'tong dulo kaya bakit 'di ko sasagarin?
Suntok sa buwan pero pati araw sasapakin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na 'yung plano ay may gana pa rin
Asa ka, man, hinding-hinding-hindi 'to tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
[Verse 1: Flow G]
Araw-araw nangungutang ng tulog, puro na puyat
'Yung sulat 'di masukat, laging pambudburan ng utak
Tulak pa rin nang tulak lalo't ramdam kong umuusad
Gano'n talaga siguro pagka pangarap mo lampas ulap
At ayoko masanay na makatikim ng puri
Baka mabusog 'yung gutom ko, Diyos ko, ako din ang lugi (Yup)
Bago pa man nakilala, ang dami nang gusto masulit
Ngayon namang nakilala 'ko, gusto ko na ay maiukit
Ang pangalan kong gala, lalo ngayon dito 'ko dinala
At bago pa matabunan, magmarka
Kahit mga bagay na hindi na dapat ginawa ay ginawa
Kasi pakiramdam ko'y para dito ako ginawa
Kung usapang sipag, 'yung sampu ay sina-sampu ko
'Sang daang porsyento lagi para puro
Nung natuto mas tumutok, mas natuto, sinapuso't sinaulo
Lahat ng pwede kasi sabi sa kuro-kuro, "Wala 'tong dulo"
[Chorus: Apekz, Flow G]
Wala 'tong dulo kaya bakit 'di ko sasagarin?
Suntok sa buwan pero pati araw sasapakin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na 'yung plano ay may gana pa rin
Asa ka, man, hinding-hinding-hindi 'to tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
[Verse 2: Apekz]
Magmano ka muna sa'kin bago ka magmagaling
Sa oras na maging bituin, hirap ka nang matahin
Laging tinatalo 'yung tao sa harap ng salamin
Gulong ay makapit kahit malayo na ang narating
Lumusot sa butas ng karayom, walang kupas ang tela
Dahil ang makina'y puno ng mga makukulay na letra
Lapis, upuan, lamesa naging puhunan sa gyera
Kinalabit ko na ang gatilyo habang puro ka teka
Nakaabang sa pagkadapa, asa ka pa para kang tanga
Mga talangkang walang magawa, naghahanap ng kasama sa baba
Hindi na kailangan pa na mag-abala kusa naman na mawawala, walang makakadama
Tignan mo bandang huli sila pa 'yung mga nakakatawa
Palaging puno ang tangke sa napiling daanan
'Di hahayaan may makinabang sa pinaghirapan
Hindi mababago, malabong matakot sa laban, wala nang atrasan
Lilipad nang matayog kahit na umabot pa hanggang kalawakan
[Chorus: Flow G, Apekz]
Wala 'tong dulo kaya bakit 'di ko sasagarin?
Suntok sa buwan pero pati araw sasapakin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
Kahit gumana na 'yung plano ay may gana pa rin
Asa ka, man, hinding-hinding-hindi 'to tatamarin
Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin
Nangyari na'ng mga balak pero may bala pa rin
[Outro: Apekz, Flow G]

About “FULLCLIP” by Apekz

Read the complete lyrics to "FULLCLIP" by Apekz, Flow G in 2024. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Filipino, Pinoy Hip-Hop, Philippines.

"FULLCLIP" is performed by Apekz, Flow G. in 2024 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "FULLCLIP", explore more songs by Apekz, Flow G using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Apekz · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"FULLCLIP" is credited to Apekz, Flow G. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "FULLCLIP" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Apekz, Flow G artist page at /artist/apekz for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.