Lyrks
Lyrks
Sign In
Cover Art

Binary Lyrics by Calix (PHL)

The Lesser of Your Greater Friends

2017

[Calix]
Tikas mo pala (Macho)
Di maka-laba o maka-hugas ng pinggan?

"Mabuti nang batugan kesa mahusgahang malambot"?

Imaheng iyong ina-alagaan
Binary ang galawan, naka-base lang sa ari
Porket may lawit, ikaw na ang nagmamay-ari ng mundo?
Akala mo lahat nalang sayo?
Kasing liit lang naman ng etits mo yang utak mo

Sa daan, walang papigil
Kung makatitig sa babae, nababaliw sa sobrang gigil
Malibog din ako pero hindi katulad mo
Di ko kailangan mambastos dahil sa kalibugan ko

May dahilan kung bakit ang utak nasa bungo
Hindi nilalagay sa loob ng iyong pantalon
Kung totoo ang diyos, sige siya nga ay lalaki
Abandonado ang anak, at nagtatago lang sa langit

Kung makahingi ka ng respeto kala mo pinaghirapan
Ang sariling mong ina hindi mo nga maalagaan
Yung kapatid mo nga hindi mo mapagtanggol
Sya pa may kasalanan dahil sa shorts nya

Nauulol ang mga tambay doon sa kanto
Ba't di mo mapatulan?
Akala ko ba macho ka? Bat di mo nga lapitan?
Ipakita mo nga na macho ka? Suntukin mo sa bunbunan!
Nasaan ang pagka-macho mo, kung babae lang ang papatulan?

Walang kwenta yang pag-flex mo kung ang kontexto ay machismo
Matapang ka lang pag nasaktan na yang napakaselan mong ego?
Nanggigigil pag babae nangunguna?
Mahalaga ba yan sa kalidad yang katangahan na pinapairal?

Ano ba ang mahirap sa pagrespeto ng kapwa?
Ito na ba ang hangganan ng iyong diwa?
Kahibangan na kayo lang ang mga tao sa tuktok
Yung akala mong matigas sayo, yun pa ang marupok

[Rambling Man]

"Kilala mo ba kung sino ako?"
Yan ang bitaw ng mga siga-sigaan
Sa kahit anong lupalop ng bansang ito

Pinangalanan: "Kilala ko si ganito't ganyan
Kaya't wag kang bubunggo kung 'di mo papanindigan"
Kala mo naman kung sino, eh chinuchupa mo lang
Yang tatay-tatayan mo na iyong pinagyayabang!

Ang Padrino, Ang Amo: yan ang sanhi ng sakit
Ang lalakas ng loob dahil umaasa sa kapit
Kapalit ng indibidwalismo: seguridad at samahan
Dibale't nang sunud-sunuran basta't walang iwanan

Walang iwanan sa panloloko't panghahalay
Panggagamit mo sa kapwa diyan ba dapat nakabatay
Ang pagiging tunay na lalake? Wala ka lang bayag
Na gawin ang tama dahil labag sa gusto ng iyong brad

O ano brad?
Akala ko matapang ka?
Bakit di mo kayang tumayo't mag-isip mag-isa?
Usisahin mong mabuti ang pinagmulan ng takot mo
Wag mong ipagpalit ang pagkalalake sa pagkatao mo

Dahil ang katapangan ay walang kinalaman
Sa pagiging lalake't babae o ano mang kasarian
Prinsipyo, kabaitan, katarungan, dignidad
Yan ang dapat batayan ng karunungan at kalidad

Hindi sintensya sa preso o yang street cred mo
Mahiya ka sa mga nagsusumikap umasenso
Na mas mahirap sayo pero walang tinatapakan
Mabigat ka nga tol: pabigat ka lang sa bayan

Hindi lahat ng siga'y nagaanyong lalake:
Daig ka pa ng batang nangangalakal sa kalye
Daig ka pa ng tagabili ng dyaryo't bote
Daig ka pa ng masunuring estudyante
Daig ka pa ng taong mapakumbaba
Daig ka pa ng nanay na nag aaruga

About “Binary” by Calix (PHL)

Read the complete lyrics to "Binary" by Calix (PHL) from the album "The Lesser of Your Greater Friends" in 2017. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Rap.

"Binary" is performed by Calix (PHL). from the album "The Lesser of Your Greater Friends" in 2017 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Binary", explore more songs by Calix (PHL) using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Calix (PHL) · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Binary" is credited to Calix (PHL). Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

"Binary" appears on "The Lesser of Your Greater Friends" in 2017.

Visit the Calix (PHL) artist page at /artist/calix-phl for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.


Lyrks
Lyrks

Your gateway to the world of music lyrics.

Product

Features


© 2026 Lyrks. All rights reserved.