Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

Gasolina Lyrics by Loonie

2020

[Chorus: CLR]
Kumusta na?
Matagal-tagal na rin ang huli nating pagkikita, kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na ihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong nami-miss
[Verse 1: Loonie]
Magdamag nagsusulat sa madilim na bartolina
Ba't ako magtutulak? Kung maraming gasolina
Bawat isa sa aking mga nakatagong rima
Tila payong hinuhugot sa pabago-bagong klima
Kaso 'di natatakot sa apoy ang arsonista
Manhid na sa sakit hanggang sa naging masokista
Armado ng tinta, mautak pa sa pogita
Ganyan sa umpisa, sadyang nagpapatalo
Bida bago ipakita ang isangdaang porsyento
Tandaan na ang progreso dadaan pa sa prosesong
Mausisa at mabusisi na sa huli palagi ang pagsisisi
'Pag pauwi na bawat palpak sa aking isip
Nakakadagdag ng mga titik na makamandag aking mithiin
Mamayagpag bilang magiting na alagad ng sining
Basta may pag-ibig na kalasag ay pilit na papalag
At mananatiling naglalagablab
[Chorus: CLR]
Kumusta na?
Matagal-tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na ihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss
[Verse 2: Loonie]
Sa likod ng pulang kurtina puro oportunistang
Handa kang sagasaan nang hindi bumubusina
Puro pangako ng pangarap na kumukutitap
Puro gustong kumita lalo nung umuso hip-hop
Puro subpoena, diyos ko por bida
Puro gunggong na gusto lang manghila
Do'n sa pila puro bulok na media at kolumnista
Na gagawin kang kontrabida at durugista kaya kung minsan
Nakakatamad nang pag-isipan ang mga bara
Hanapin kung saan naisiksik ang mga bala
Ngunit 'pag nakakabasa ng liham ng tagahanga
Unti-unti na naman nagniningas ang mga baga
Bumabalik ang gana sa t'wing naaalala
Tilian, palakpakan, hagikhikan, mga tawa
Siksikan sa gig parang sardinas na nasa lata
Ako'y muling magliliyab na parang gin at marijuana sa sagada
[Chorus: CLR]
Kumusta na?
Matagal-tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na ihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss
[Bridge: Loonie]
Sa t'wing ako’y sumusulat ng mga tula
At mga kantang pinagsisikapang mabuo
Matiyak sapul pati puso at kaluluwa
Sapagkat hindi lang isip dapat ang busog
Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog
Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy
Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob
[Verse 3: Loonie]
Lahat ng kumalaban at naiinggit sa akin
Ay pawang mga taga-hangang nahihiyang umamin
Lahat ng taga-hangang habambuhay sumuporta
Nang masugid ay tinuturing kong tunay kong ka-tropa
Lahat ng tropa kong dikit, sa ginhawa at sakit
Itinatrato kong higit pa sa kapatid
Kasama sa init at sa lamig
Mga sinunog kong tulay ang naging ilaw sa pagtawid
[Pre-Chorus: CLR, Loonie]
Naaalala niyo pa ba ako?
Kaya niyo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko?
Lumalabas sa TV na parang si Sadako
Naaalala niyo pa ba ako?
Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo?
[Outro: CLR, Loonie]
Kumusta na?
Matagal-tagal na rin ang huli nating pagkikita, kapatid
(Naaalala niyo pa ba ako?)
Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina, pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy kapag ako'y pinanghihinaan ng loob
(Alalahanin niyo, alalahanin niyo)
Kumusta na?
Matagal-tagal na rin ang huli nating pagkikita, kapatid
(Naaalala niyo pa ba ako?)
Kaya niyo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko?
Lumalabas sa TV na parang si Sadako
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina, pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo?
(Alalahanin niyo, alalahanin niyo)
Credits

About “Gasolina” by Loonie

Read the complete lyrics to "Gasolina" by Loonie in 2020. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Hip-Hop, Filipino, Philippines.

"Gasolina" is performed by Loonie. in 2020 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Gasolina", explore more songs by Loonie using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Loonie · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Gasolina" is credited to Loonie. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "Gasolina" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Loonie artist page at /artist/loonie for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.