Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

Nakakamiss Lyrics by Smugglaz (PHL), Curse One, Dello, Flict G

0

[Intro: Smugglaz]
Na-na-na-na, na-na-na-na
Na-na-na-na-na-na-na
Na-na-na-na, na-na-na-na
Na-na-na-na-na-na-na-na-na
[Verse 1: Dello, Flict G, Curse One]
Madaming nangyari, taon ang binilang
Ka-jamming, kumpare, napapangti lang
Ngayon naalala, maulit 'yun sana (Nakakamiss lang kasi)
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
'Pag naalala mga bagay na 'to
Kay sarap balikan, tamis nang nagdaan (Nakakamiss lang kasi)
[Chorus: Curse One, Smugglaz]
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba? Kamusta na ba siya?
Ano ba ang lagay nang ibang tropa ngayon?
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakakamiss lang kasi
[Verse 1: Curse One, Smugglaz]
Kamusta ka na ba, Smugg? Okay lang naman, Curse!
Kamusta ka na ba, Curse? Okay lang naman, Smugg!
Salamat at nakagawa na naman tayo ng isa
Na naman kanta na 'di lang nakapagbagbag-damdamin
Kung 'di pagbabahagi din ng bawat pangyayari
Sa mga buhay natin nadagdag
Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati
Na laman ng kalye dahil mga oras natin maluwag
Oo nga eh, sana kung pwede lang tayo
Lahat ay bumalik sa ating nakaraan
Makikita mo ang meron na wala na sa ngayon
Mga bagay-bagay no'n na 'di na pwedeng balikan
(Nakulayang ganda) Kay sarap pagmasdan
(Nakulayang ganda) Ng mga nagdaan
[Verse 2: Curse One, Smugglaz]
Sa likod nang nilakaran ko, na dala ng kapalaran ko
Bakas sa mga araw, sa aking mga karanasan ay natutunan ko
Ang tama at mali, teka sandali, kamusta na kaya 'yung iba?
'Yung iba sikat na, 'yung iba angat na
'Yung iba may mga anak na
Sana naman, tayo'y 'di magkalimutan
Anuman ang mangyari, kapatid o pare
Ilang ulit man na madapa, tuloy lang sa mga pangarap natin
Kahit ano pa mangyari ay 'wag kayong bumitaw
Mga pangarap natin bukas
[Chorus: Curse One, Smugglaz]
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba? Kamusta na ba siya?
Ano ba ang lagay nang ibang tropa ngayon?
May kaniya-kaniyang buhay na, sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
Sana'y laging maalala niyo noon kung anong tayo
Minsan naman, minsan naman
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakakamiss lang kasi
[Verse 3: Flict-G, Dello]
Kumusta ka naman, Dells, okay ka naman ba?
Okay naman, Flict, laging click mga rampa
Daming nagpa-pic mga chick na maganda
Bigla ko lang namiss, makulit na alaala
Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa
Uso no'n ang taguan, wala pang games, mga Dota
Tagayan, sabay ang hagikgik, mga tawa
Kaya para bang ngayon ay nasabik makasama
Kasi naalala ko ang katambayan sa looban
Kasabwat sa lahat ng paggawa nang kalokohan
Pero meron damayan, sa problemang kaharap
Masarap may kadamay, gumaan ang kalooban
Naranasan ko noon, teka, nasa'n na ba 'yon?
Panahon, tayo no'n, tila ba nasa balon
Na punong-puno ng alak, hawak natin ang timba
Nangingiti ako kasi namiss ko 'yun bigla
[Verse 4: Dello, Flict-G]
Eh ikaw naman, Flict? Uy, Dello!
Para bang malalim iniisip mo? Ha? Oo nga
'Di ko lang, talaga mapigilan na isipin
Ang mga bagay na 'to, ang alin?
'Yung sana maulit natin ang mga panahon na dati
Wala pang kamalay-malay sa mga bagay-bagay
Na nagdudulot ng kalungkutan sa isa't isa
Walang hanggang pag-ibig, tanging laro ang hilig
Mga kabataan na naglalakbay sa hardin na puno ng himig
Nangangarap na lahat ng bituin
Ay mahawakan ng aking mga kamay
At ang mga kabiguan agad kalimutan
Sa agos ng buhay ay ipatangay
[Chorus: Curse One, Smugglaz]
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba? Kamusta na ba siya?
Ano ba ang lagay nang ibang tropa ngayon?
May kaniya-kaniyang buhay na, sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
Sana'y laging maalala niyo noon kung anong tayo
Minsan naman, minsan naman
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakakamiss lang kasi
[Outro: Dello, Curse One, Smugglaz, Flict-G, *Curse One & Smugglaz*]
Madaming nangyari, taon ang binilang
Ka-jamming, kumpare, napapangti lang
Ngayon naalala, maulit 'yun sana (Nakakamiss lang kasi)
Kahit ano man mangyari, 'wag kayong bumitaw
Hangga't hindi niyo pa abot ang mga tala sa taas
Dahil, dahil (Nakakamiss lang kasi)
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
'Pag naalala mga bagay na 'to
Kay sarap balikan, tamis nang nagdaan (Nakakamiss lang kasi)
Sige lang, tuloy-tuloy, tuloy lang
Sana'y palaging nasa mabuti kayo
Nakakamiss lang *kasi*

About “Nakakamiss” by Smugglaz (PHL)

Read the complete lyrics to "Nakakamiss" by Smugglaz (PHL), Curse One, Dello, Flict G. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Pinoy Hip-Hop, Philippines, Rap.

"Nakakamiss" is performed by Smugglaz (PHL), Curse One, Dello, Flict G. This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Nakakamiss", explore more songs by Smugglaz (PHL), Curse One, Dello, Flict G using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Smugglaz (PHL) · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Nakakamiss" is credited to Smugglaz (PHL), Curse One, Dello, Flict G. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "Nakakamiss" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Smugglaz (PHL), Curse One, Dello, Flict G artist page at /artist/smugglaz-phl for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.