Lyrks
Lyrks
Sign In
Cover Art

Kalye Lyrics by Gloc-9

Sukli

0

[Chorus: Yosha]
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng nangyari?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

[Verse: Gloc-9]
Iba’t Ibang tao, iba’t Ibang araw
Ang aking nakikita at syang nakakaulayaw
Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw
Ng liwanag at hanggang sa muli pa nyang pagdalaw
Sari-sari ang mga naglalakbay at dumaraan
Kahit na ika’y nakasakay o kapapara lang
Para lang bulong ng hangin na tuloy-tuloy
Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy
Usad na di palangoy tawa man o panaghoy
Lahat tayo’y mababasa o mapapaso sa apoy
Dahil ako ang syang daan
Kahit buo kong pangalan ay kinatatamarang
Sambiting madiin marating tawirin tiisin
Kung ayaw mo sa’kin sige piliin kung alin
Naaalala mo pa ba ang mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

[Chorus: Yosha]
Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng nangyari?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

[Verse: Gloc-9]
Aling Celia ang pangalan, lumuwas papuntang Quiapo
Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo
Daw na paru-paro sa balikat yun ang akala
Inipong pera’y nawala kasama ng pitaka

Sya si Melody pauwi na galing pang Estrella
Inabot ng hatinggabi proyekto sa eskwela
Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela
Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga

Madilim kasuluksulukan sa may Boni
'Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly
Pero di sya nabusog sa tinapay o pansit
Manhid lamang dahil sumisinghot sya ng pandikit

Napiit kahit na di ito selda sa Bilibid
Araw-araw napakaraming tao ang naiipit
Yan lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

[Chorus: Yosha]
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng nangyari?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

[Verse: Gloc-9]
Galit reklamo angal asar
Init pahid pawis dasal
Tila di mararating ang tinatanaw na lugar
Napakabagal ng pag-usad parang lakad sa kasal
Pero minsan ang daan na ito ay nagsilbing
Kasagutan sa milyon-milyong hinihinging hiling
Malakas na narinig bulong na nakakabinging
Hinaing na gumising sa ginigising na gising
Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa't
Mas makapangyarihan ang awa’t malasakit sa
Kapwa laban sa baril o kahit na tangke
At tapang na katulad ng pinagsama-samang kape
Ang kadilima'y napukaw ng bulaklak na sandata
Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
At huwag mong kalilimutan ang storya ng kalsada

[Chorus: Yosha]
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento, ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali?
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

[Outro: Yosha]
Nalimutan mo na ba
Ang tunay na mensahe
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Credits

About “Kalye” by Gloc-9

Read the complete lyrics to "Kalye" by Gloc-9 from the album "Sukli". On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Aa (Check Description), Hip-Hop, Pinoy Hip-Hop.

"Kalye" is performed by Gloc-9. from the album "Sukli" This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Kalye", explore more songs by Gloc-9 using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Gloc-9 · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Kalye" is credited to Gloc-9. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

"Kalye" appears on "Sukli".

Visit the Gloc-9 artist page at /artist/gloc-9 for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.


Lyrks
Lyrks

Your gateway to the world of music lyrics.

Product

Features


© 2026 Lyrks. All rights reserved.