Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

​guni-guni ng isang gamu gamo Lyrics by Ian Quiruz

SA PANAGINIP

2022

Bakit pa kaya kailangang dumilim?
Bakit hindi na lang maging maliwanag habangbuhay?
Iyan ang paulit-ulit mong tanong sa akin
Sa gabi-gabing ubod ng panglaw at katahimikan
Malayo sa kulay at sigla na mayro′n ang araw
Malamig, maginaw
Bakit ba naman kasi kailangan pang dumilim?
Bakit kailangan pang paikutin ng sansinukob ang kalupaan
At bigyang-pagkakataong maitago sa kawalan ang mga lihim?
Ano'ng kinalaman ng oras?
Masisisi ba ang mga bituin?
At sa dami ng tanong na iwinasiwas mo sa akin
Ay siyang dami rin ng sagot na bumubuo sa isipan ko
Pero tanging "Mahalaga ka" ang salitang nabitawan ko
Alam ko lang, nagpasalamat ako sa mga pagbabakasakali
Alam ko lang, nagpasalamat ako sa mga "Paano kung...?"
Sa pagtatalo sa isip ko na hindi ko alam kung saan hahantong
Paano kung nagkataong sa iba?
Paano kung hindi kita nakilala?
′Wag naman sana pero gaya nga ng iniisip mo
Hindi ko nga masisisi ang mga bituwin
Lalo na't ubod ng ligaya ang kinang nito sa 'yong mga mata
At ′di rin nagkasala ang oras dahil itinakda niya
Ang pinakamagandang panahon at pagkakataon para makilala kita
"Mahalaga ka", ang tanging lumabas sa aking bibig
Habang dahan-dahan kong napapansin ang unti-unti mong pag-idlip
Inilalayo ka nito sa katotohanan kaya sana makita kita sa panaginip
Nang sa gayo′y hindi pa huli ang lahat
Hindi pa huli ang lahat para masabi kong
"Hindi ba't kay sarap kung araw-araw nating
Sasalubungin ang araw na papasikat sa umaga?
Hindi ba′t kay gaan sa pakiramdam ng sikat nito
Kapag tapos na tayong lamunin ng matinding kalungkutan?
Hindi ba't katahimikang gaya ng gabi naman ang nagiging dahilan
Kung bakit nawawala ang mga tampuhan at bumabangon si Haring Sol sa ′ting dalawa?"
Pero gaya ng gabi, namahinga ka na
Pero 'wag kang mag-alala, hindi na ako magtatanong at mag-iisip
Ng kung sinong naiwan sa ating dalawa
Nanlalabo na rin ang mga paningin ko′t nagtatakip-silim na
Hinihintay ko na lang na pumagitan si Oras kung kailan ba
Hinihintay ko na lang na pumagitan si Oras, makakasama na kita
Credits

About “​guni-guni ng isang gamu gamo” by Ian Quiruz

Read the complete lyrics to "​guni-guni ng isang gamu gamo" by Ian Quiruz from the album "SA PANAGINIP" in 2022. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Non-Music, Filipino, Philippines.

"​guni-guni ng isang gamu gamo" is performed by Ian Quiruz. from the album "SA PANAGINIP" in 2022 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "​guni-guni ng isang gamu gamo", explore more songs by Ian Quiruz using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Ian Quiruz · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"​guni-guni ng isang gamu gamo" is credited to Ian Quiruz. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

"​guni-guni ng isang gamu gamo" appears on "SA PANAGINIP" in 2022.

Visit the Ian Quiruz artist page at /artist/ian-quiruz for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.