Lyrks
Lyrks
Sign In
Cover Art

Barya Lyrics by Illustrado

Illustrado

2017

[Sayadd:]

Mula sa distansya tanaw ko at rinig
Nginigan ng mga tuhod at kabugan ng dibdib
Nilang lumagpas sa linya, umasa sa ginto
Hangad mo na mauna sa’kin, di ka mabibigo
Tanging inani - kagalakan; naipon - pighati
Nagdiwang sa nakitang tamang minali
Kaya’t kung puwede pakisulit na ang bawat sandali?
Sapagkat barya lang ang buhay at masyadong madali
Pumaslang, kumitil, sumira ng bukas
Mahabang lakbay sa pinaikling oras
Sugapa, sumingil, napiling birador
Binayaran kong higit para isoli ang pabor
Hunos-dili, kalma. ‘Di ako mapagpatol
Mga lobo’y umaalulong at hindi tumatahol
Pag'tapos ng trabaho, tahimik na piging
Hindi na maiistorbo tulog mong mahimbing

Koro:

Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Isang bala, boom! Isang bala – tabla!
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Isang bala, boom! Isang bala – tabla!

[Goriong Talas:]

Piring mga mata habang naka-kadena
Kasa sa’king kargadang nakatutok sa tenga
Nagbibilang ng pera naging katumbas mo
Tigil na pagdarasal, magkikita na kayo!
"Ba’t nga ba ganito?,"
Tanong sa aking kamalayan:
"...na ang aking kabuhayan ay maging kamatayan?"
Nagkabaliktaran ng sinundan na pamantayan
Sa takbo ng kapalaran ‘tong landas na linakaran
Kaya paumanhin kung sa ilog ka lulutang
Marami nang katawang tinusok na parang mangkukulam
Na kailangan kong gawin sa dami ng mga pagkukulang
Pambayad sa kuryente at pambili ng ulam
Pambawas ko sa utang at pampalit ng lumang
Damit ng mga bata – responsableng magulang
Tinapon ko’ng asin, napagod na akong magdildil
‘Di ka na magtatagal tila relasyong may nagtaksil!

Koro:

Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Isang bala, boom! Isang bala – tabla!
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Isang bala, boom! Isang bala – tabla!

[Batas:]

Buhay na kinontrata ko’ng katumbas lamang ng bala
Pagkakamali burado, tsong, basta bayad ng tama
Kamatayan ang makakamit sa pagkasa sa kapwa
Tiyak butas sa kada kalabit na parang mag-asawa
Boom! Sapul! Rekta byahe palangit
Imposibleng magkabuhol-buhol – maikli na tali
Huling bilin ng biktima pilit iniwan sakin
Puro dugo sa mukha – dinatnan habang kinakain
‘Tong Gatilyo ni BLKD – Para Sa’n Ang Tapang Mo?
Para paspasang makita kamatayan ‘tol
Dehin personal sa trabaho
Ika’y pag-aalayan na para ka ng santo, oo!
Mura lang ang buhay ng iyong mga kaaway
Kukupal ka? Gano’n na nga ang umasta t’yak lamay
Ang resulta ng sagupa, hagulgulan kada katay
Hay nako! Wala akong awa, sahod lamang aking pakay

Koro:

Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Isang bala, boom! Isang bala – tabla!
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya
Isang bala, boom! Isang bala – tabla!
Credits

About “Barya” by Illustrado

Read the complete lyrics to "Barya" by Illustrado from the album "Illustrado" in 2017. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Rap.

"Barya" is performed by Illustrado. from the album "Illustrado" in 2017 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Barya", explore more songs by Illustrado using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Illustrado · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Barya" is credited to Illustrado. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

"Barya" appears on "Illustrado" in 2017.

Visit the Illustrado artist page at /artist/illustrado for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.


Lyrks
Lyrks

Your gateway to the world of music lyrics.

Product

Features


© 2026 Lyrks. All rights reserved.