Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

KELAN Lyrics by RADKIDZ

2024

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
[Verse 1: Pablo]
Kailan ba a'ko magiging payapa? (Kailan?)
'Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala
Kahapon ay hindi na lumipas
'di ko rin alam kung meron pang bukas
Pilit nga na nangangapa
Sa 'lam na ngang wala naman nang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim
Liwanag ang kaniyang lihim
Sinubukang alamin saloobin
Tumingin sa salamin
Ngayon ano'ng aking gagawin?
Ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo
Kung pagtingin sa salamin, nakangiti ka pa rin?
'Di mo na kailangan na magkunyaring iba
'Lam naman natin na mas komportable ka
Sawa lang sa nawalang dismaya
Makatotohanan lang walang iba
Buksan mo ang iyong isipan
Kakitira'y gawing kalawakan
Ang katotohanan yung nahahawakan
Tuparin ang napanaginipan
That's right, play hanggang sa dulo, uh
Mayday panay peligro
But someday maitotono ko rin ang buhay ko na 'di sintunado
(say)
[Chorus: Pablo]
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah (Yah)
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalampasan
Oh, no, yeah, yeah (Ayy, ayy)
Ipipikit ko ang aking mata
At mananalangin sa mahabaging Ama
Oh, no, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah
[Interlude]
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
[Verse 2: Josue]
Ako'y nagising na sa malalim na pagtulog
Teka lang, ba't para 'tong bangungot?
'Di ko magalaw ang aking tuhod
Bukod pa do'n ay 'di ako makahugot ng hininga
At parang nalulunod
Ang pakiramdam ko ay nanlulumo
Bawat sigaw ay para lang bumubulong
'Tila ba walang makarinig sa aking mga ungol
Hindi ako marunong humingi ng tulong
Ako lang ang guro sa bawat pagsubok
Kahit na lumulubog, kahit na nalulugmok
Sugod nang sugod kahit hindi matumbok
Ang puno at dulo ng aking mga gusto
Lahat ng ito'y hindi magkakatuldok
Hiling ng tadhana ma'y ako'y mabugbog
Hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo
Kinalaban ang nasa salamin
Kinatakan ang mga gawain
'Lam naman natin na siyang salarin
Sa lahat ng naging pangyayari sa'min
Sa kabila ng lahat ng aking inakala't pagsisisi
Siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi
At pagkalabog ng beat
Mga mata'y namulat sa pagkapikit
Unti-unting gumagalaw ang mga binti
'di ko na pinansin ang aking paghikbi
Kailan ba makakatakas dito sa kulungang
Ginawa sa'king bumbunan
Takot ang naging puhunan
Nanglalamong kalungkutan
Minsan na napalibutan
Diyos ko po pakitulungan
Gusto lang makalimutan ang nakaraan
[Chorus: Josue]
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalampasan
Oh, no, yeah, yeah (Yeah, ayy)
Ipipikit ko ang aking mata
At mananalangin sa mahabaging Ama
Oh, no, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah (Yeah)
[Bridge: Pablo, Josue, Pablo & Josue]
Kailan ba ako tunay na sasaya?
Tuluyan nang nawawala ang aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata
Mahabaging Ama, kailan ba?
Oh, kailan ba? Kailan ba? Kailan ba?
Kailan?
[Chorus: Pablo, Josue]
Kailan ba tunay na sasaya? (Yah)
(Kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah
Dami nang pinagdaanan (Daming pinagdaanan)
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Oh, no, yeah, yeah (Ayy, ayy)
Ipipikit ko ang aking mata
At mananalangin sa mahabaging Ama (Mahabaging Ama)
Oh, no, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya? (Kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba
Oh, no, yeah, yeah, yeah, yeah
Credits

About “KELAN” by RADKIDZ

Read the complete lyrics to "KELAN" by RADKIDZ in 2024. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Hip-Hop, Pop, Rap.

"KELAN" is performed by RADKIDZ. in 2024 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "KELAN", explore more songs by RADKIDZ using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for RADKIDZ · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"KELAN" is credited to RADKIDZ. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "KELAN" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the RADKIDZ artist page at /artist/radkidz for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.