Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

TUMAYO Lyrics by Juss Rye

2020

[Verse 1 : KJah]
Makabuluhang tugon ang pagsagasa
Patriyotikong galaw, higit pa sa pagbawi ng dambana
Pag-alma ng mga isipang hinasa
Nilapat sa bandila at winagayway gamit ang sariling wika
Nababagabag ka bang makibaka? Wag nang mahabag
Baon sa utang ang gobyerno, hindi na makapalag
Itama ang maling linya sa mapa
Ang pagbubulag-bulagan kailanma'y hindi parte ng diplomasya
Mga kaisa, para sa mahal na republika
Bago pa ang watawat ay maging kulay pula
Ating agapan ang lihim na pang-aalipusta
Kung tikom ang nasa pwesto, ikaw ang magdeklara
Buklatin ang mga itinatago na pahina
Nitong mga oportunistang pasikreto ang kamada
Sa iniingatang yamang dapat pangkalahatan
Ihilera sa daan sabay sabay na silaban!
Laban!
[Hook : Juss Rye]
Tumayo at manindigan ka ngayon
Tumayo't kunin ang pagkakataon
Tumayo't lumaban sa naghahamon
Itayo ang bandila sa dagat na puno ng alon
[Verse 2 : Mhot]
Anong balita, mga ganap sa kasalukuyan?
May dayuhan na bumisita, katabi ng nasa upuan
Kamayan ay pinakita ngunit hindi ang kasunduan
Pagkat tulad ng alila, ‘di lahat pinahihintulutan at
Tila kinilabutan yung kinilalang matabil
Na mukhang tayo lamang ang kayang pagbalingan ng baril
Karagata’y binabakuran iba na ang pumapapel
Sino pa ba? Edi silang may pinakatanyag na pader
Kaya para sa’n ang kalayaang pinagbubunyi?
Kung ang pang-hihimasok ay kanilang kinukunsinti
Tayo’y kinukumbinsing kaunlaran daw ang sukli
Sakupin nang unti-unti ang pakay na kinukubli
Talo man sumatutal sa mga kadeteng ‘di mabilang
Tayo ang nasa lugar, kaya pwede kang mangatwiran
Kahit ang paglaban ay utak rebelde sa karamihan
Kailanman ay di pagiging bayolente ang manindigan
[Hook : Juss Rye]
Tumayo at manindigan ka ngayon
Tumayo't kunin ang pagkakataon
Tumayo't lumaban sa naghahamon
Itayo ang bandila sa dagat na puno ng alon
[Verse 3 : BLKD]
Araw ang apoy ng panaghoy na buga
Bagang magtataboy ng mga bumubura
Ng mga lumalampas, ng mga bumabangga
Ng mga astang talang bumabangka
Sa laot ng pananakot
Malambot na pananakop
Ibabandera mga letrang pamuna
Lulusong sa laban hanggang umalon ng pula
Ako! [Ako!] Mamamayan
Ng Perlas ng Silanganan
Ngayo’y namamanatang buong tapang
Anumang paraan ay lalaban
Para sa kalayaan, para sa karangalan
Para sa mga karapatan ng bayan
Kung mga puno’y duwag kumondena
Tumayo! [Tumayo!] Tayo ang mag-umpisa
[Hook : Juss Rye]
Tumayo at manindigan ka ngayon
Tumayo't kunin ang pagkakataon
Tumayo't lumaban sa naghahamon
Itayo ang bandila sa dagat na puno ng alon
Credits

About “TUMAYO” by Juss Rye

Read the complete lyrics to "TUMAYO" by Juss Rye in 2020. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Rap.

"TUMAYO" is performed by Juss Rye. in 2020 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "TUMAYO", explore more songs by Juss Rye using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Juss Rye · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"TUMAYO" is credited to Juss Rye. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "TUMAYO" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Juss Rye artist page at /artist/juss-rye for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.