Lyrks
Lyrks
Cover Art

Alon Lyrics by Kensa

Strange Weather in Manila

2023

[Hook]
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Mga pagsubok na tila 'di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
May pangarap din sila, 'di na ba maaayos?
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Mga pagsubok na tila 'di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
May pangarap din sila, 'di na ba maaayos?

[Verse 1]
Pinatibay ng bagyo ang pagtapak mo sa lupa
Susugod sa delubyo, lubog na nga sa utang
Pilit umaahon sa bahang 'di humuhupa
Sa kalam ng sikmura, wala nang oras sa pagluha
Pagtuyo nama'y sira na ang pintura
Kinakalawang ang mga kandado sa pintuan
Umiiyak ang kisame na yerong puro butas
Nasira ang mga pagkaing nakaimbak para bukas
Kinabukasan ay parang diamenteng hinahagilap mo sa putik
Sa gitna ng mga patay na hayop sa bukid
Gamit mapurol na pang-ukit
Habang may banta ng pagkidlat mula sa panahong masungit
Halos mamulubi
Pilit kinokontra ang tuluyan na pag-agos mo sa tubig
Hintayin pa bang malunod?
Papano ka lalaban kung naiwan kang bilad sa anino ng daluyong?

[Hook]
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Mga pagsubok na tila 'di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
May pangarap din sila, 'di na ba maaayos?
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Mga pagsubok na tila 'di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
May pangarap din sila, 'di na ba maaayos?

[Verse 2]
Nanginginig, nanlalamig
Patuloy na bumibigat ang mga natitirang basang damit
Ngunit wala ka nang paki
Tanging nasa isipan ay wala ka nang tirahan sa susunod mong pag-uwi
Wala kang takas sa sakit:
Bunga ng pagsugod ay trangkaso at lagnat ang babalik
Mga sugat sa baha'y nababad nang walang takip
At ang mga mahal sa buhay na hindi na nasagip
Sinalo ang buhos ng langit na punong-puno ng galit
Katiting na lang ang natitira bago sa patalim ay kumapit
Marangal kang nagtanim, bakit gan'to ang inaani?
Kung mas matimbang ang diskarte sa sipag ay 'di na bale
Napabayaan, napag-iwanan
Ang mundo mo ay bartolina na walang liwanag
Tuluyan kang masisiraan sa malamig na higaan
Habang sila'y abala sa mga mabababaw na hidwaan
Walang hiya yan!

[Hook]
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Mga pagsubok na tila 'di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
May pangarap din sila, 'di na ba maaayos?
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Mga pagsubok na tila 'di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
May pangarap din sila, 'di na ba maaayos?

[Bridge]
Walang katapusang hatinggabi, walang pagtila
Natitirang pag-asa ay hindi na maaninag
Desperado sa pagningas ng basang kandila
Di mo na nasisilayan ang araw at kanyang sinag
Tubig lampas balikat, pasan-pasan ang kadiliman
Dahan-dahang naramdaman ang panghihina
Sa banta ng kamatayan, nagpanggap patay-malisya
Sa isang iglap, ang buhay ay naging panandalian

[Outro]
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
May pangarap din sila, 'di na ba maaayos?
Kensa, Batas
Alon
Paalam
Credits

About “Alon” by Kensa

Read the complete lyrics to "Alon" by Kensa from the album "Strange Weather in Manila" in 2023. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Rap.

"Alon" is performed by Kensa. from the album "Strange Weather in Manila" in 2023 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Alon", explore more songs by Kensa using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Kensa · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Alon" is credited to Kensa. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

"Alon" appears on "Strange Weather in Manila" in 2023.

Visit the Kensa artist page at /artist/kensa for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.


Lyrks
Lyrks

Your gateway to the world of music lyrics.

Product

Features


© 2026 Lyrks. All rights reserved.