Lyrks
Lyrks
Sign In
Cover Art

Buhay Lyrics by Lenin (PH)

2021

Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan

Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan

Mga lason ng kahapon na kailangang maitapon
Gagawa ng panibagong kabanata para sa naglahong
Alaala ng kasanayan, kasabay ng paglubog ng kalayaan at kamalayan
Ay ang mga katawang buhay ang inaabot kaso kamatayan ang nakamayan

Sa dami ng pinaniniwalaan, nakalimutan na kung ano ang mas kailangan
Bukod sa kahirapan na mahirap iwanan, natutulog sa gitna ng panganib at kaligtasan
Pero ayos lang dahil wala namang makakapigil sa araw-araw na kilos ng maralita
Tsaka lamang matatapos ang lahat ng pagdurusang dinadanas 'pag di na sila makahinga

Ano'ng pwede mong gawin para sa kanila? subukan mong bigyan ng trabaho
Tapos ang sahod lang na magkano, tatlong araw bago maglaho
Mas mabilis pa sa alas-kwatro, tanungin mo pa kung paano
Sila tumatagal, diyan papasok ang pamemerwisyo ng ibang tao

Sige, pulutin niyo na 'yan, kitang-kita kong siya yung humablot ng wallet niya
Ano, papalag ka pa bang bastardo ka? Huling huli ka na sa kamera
E ano pa bang pagpipilian 'pag ang kalam ng tiyan ay di mabilang
Mabuting mabulok na lang sa kulungan, di rin naman 'yon mapagsisisihan

Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan

Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan

Kung totoo man ang habang-buhay, kakaumay
Hinahangad na langit ng karamihan ay nasa gulay
Kung ayaw ng madilim, tumikim ng kabute, pampakulay
Pero kung gusto mong magpahaba ng sungay, magpakulo ng bato o talampunay

Bawat pagbalasa, mga kaluluwa'y umaasa sa magandang hanay ng baraha
Bumababa si kristo sa kanyang krus para lamang makitaya sa dalawang kara
Kaso minsan kahit na gaano ka kaangas, iiyak ka rin kapag napagtripan ng malas
Para kang puno na sinisilungan ng marami pero ngayon, lahat ng dahon ay nalagas

Desperado na sa pagkakabusog, hindi na napansin na may nakaturok na lason sa mansanas
Pero sa kabila ng mga malagim na desisyon ay nagawa pa rin nila na makatakas
Malupet magtakip ng baho, parang mga graba sa simentong hinalo
Balewala lahat ng bumangga sa kapal ng mga kasalanang itinago

'pag di marunong makuntento, kahit kelan ay hindi makakamit ang pagiging kumpleto
Maliban na lang kung isa ka sa mga pobre na ang buhay kalahati ng isandaang porsyento
Pwede kang sumugal, pwede ring hindi, sa huli, sa isang pintuan lamang ang diretso
Do'n mo malalaman na wala palang premyo, at walang daan na palabas ng impyerno

Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan

Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan

Puro pagdurusa, puro pagdurusa na lang
Pera'y paubos na, pera'y paubos na naman
Dami nang panahong dumaan, gano'n pa rin ang mundo
'pag nakausap mo 'yang diyos niyo, pakisabi na hindi ko 'to ginusto

Puro pagdurusa, puro pagdurusa na lang
Pera'y paubos na, pera'y paubos na naman
Dami nang panahong dumaan, gano'n pa rin ang mundo
'pag nakausap mo 'yang diyos niyo, pakisabi na hindi ko 'to ginusto
Credits

About “Buhay” by Lenin (PH)

Read the complete lyrics to "Buhay" by Lenin (PH) in 2021. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Underground Rap, Filipino, Rap.

"Buhay" is performed by Lenin (PH). in 2021 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Buhay", explore more songs by Lenin (PH) using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Lenin (PH) · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Buhay" is credited to Lenin (PH). Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "Buhay" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Lenin (PH) artist page at /artist/lenin-ph for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.


Lyrks
Lyrks

Your gateway to the world of music lyrics.

Product

Features


© 2026 Lyrks. All rights reserved.