[Verse 1: Still One] Ba't 'di ka na sumasagot sa'king mensahe at tawag? Ilang araw ka nang tulog hindi ako mapanatag Alam mo bang miss na kita, miss na miss na kita Kinakausap kita, ba't hindi ka nagsasalita? Pero gano'n pa man 'di ako aalis, babantayan kita Baka sakali na muling dumilat ang iyong mata Ayokong tanggapin kung ano man ang totoo 'Di ba nangarap tayong magkasama, tayong bubuo Ng pamilya ngunit ngayon pa'no pa natin gagawin Kung iiwan mo 'ko, mahal, 'wag mo naman akong ganyanin 'Di ba sa'yo na mismo nanggaling na walang bibitaw Sa ating dalawa ngunit ang bumali do'n ay ikaw Ngayon paano sasanayin ang sarili, alam ko namang 'di mo ginusto Pero 'yun talaga ang itinadhana na mangyari Daig ko pa ang nilumpo, 'di ko kaya 'Pagkat sa'yo umiikot ang aking mundo [Chorus: Loraine] Ako'y magpapaalam na sa'yo Mga luha sa mata'y punasan mo Ayokong nakikita kang umiiyak Loob mo ay tibayan mo 'Di man tayo magkasamang dalawa Gusto ko ay palagi kang masaya Salamat sa lahat hanggang dito na lang Paalam na [Verse 2: Still One] Almusal ko sa umaga ay pagluha ng mata Ang hirap maniwalang ika'y 'di ko na makakasama Parang kahapon lang ang saya pa natin Mga yakap mong na napakahigpit ay aking hahanap-hanapin Hangga't nandito ka pa 'di ako aalis sa'yong tabi Magmumukmok at iiyak sa harapan ng iyong labi Hindi ko kayang tatagan ang aking nanghihinang loob 'Di ko kayang maging matapang 'pagkat puso ko'y durog Na durog, dahil sa'yong biglaan na pagkawala, ahh! Patawad kung wala akong nagawa Hindi man lang kita naisalba sa'yong pagkalunod Ang inabutan ko'y bangkay mong nakabalot sa kumot Pilit kitang ginising at ang mata mo'y aking dinilat 'Di ba sabi ko naman na palagi kang mag-iingat Ang sakit sa'kin nito 'di ko alam kung kaya ko ba Ni ngumiti kahit pilit hindi ko magawa [Chorus: Loraine] Ako'y magpapaalam na sa'yo Mga luha sa mata'y punasan mo Ayokong nakikita kang umiiyak Loob mo ay tibayan mo 'Di man tayo magkasamang dalawa Gusto ko ay palagi kang masaya Salamat sa lahat hanggang dito na lang Paalam na [Verse 3: Still One] At 'eto na nga ang araw kong kinakatakutan Ang makita na ang iyong labi ay tinatabunan Parang ayokong tumingin mas pinili kong pumikit Mahal 'di na ako makakahanap ng 'yong kapalit Para sa'kin nag-iisa ka lang, wala ng tulad mo Sa mundong 'to, ngayon pakiramdam ko ay kulang ako Puso ko'y pira-piraso parang 'di na mabubuo Isipin ko man na lahat ng 'to ay hindi totoo Pero sa tuwing didilat larawan na lang ang nakikita Sa'ting nagdaan laging naglalakbay ang aking diwa Alam ko sa kabilang buhay tayo'y magtatagpo pa Katawang lupa mo lamang ang nakabaon sa lupa Ngunit ang alala'y nasa aking puso at isip Ramdam ko ang 'yong yakap na mahigpit Sa bawat ihip ng hangin, salamat sa pag-ibig mo, aking sinta Hanggang dito na lang, paalam na, mamimiss kita [Chorus: Loraine] Ako'y magpapaalam na sa'yo Mga luha sa mata'y punasan mo Ayokong nakikita kang umiiyak Loob mo ay tibayan mo 'Di man tayo magkasamang dalawa Gusto ko ay palagi kang masaya Salamat sa lahat hanggang dito na lang Paalam na [Outro: Loraine] Ako'y magpapaalam na sa'yo Mga luha sa mata'y punasan mo Ayokong nakikita kang umiiyak Loob mo ay tibayan mo 'Di man tayo magkasamang dalawa Gusto ko ay palagi kang masaya Salamat sa lahat hanggang dito na lang Paalam na
Read the complete lyrics to "Mamimiss Kita" by Still One from the album "Breezy Music Vol.1". On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Philippines, Pinoy Hip-Hop, Hip-Hop.
"Mamimiss Kita" is performed by Still One. from the album "Breezy Music Vol.1" This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL.
Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data.
If you enjoy "Mamimiss Kita", explore more songs by Still One using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.
"Mamimiss Kita" is credited to Still One. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.
"Mamimiss Kita" appears on "Breezy Music Vol.1".
Visit the Still One artist page at /artist/still-one for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.