Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

Pastulan Lyrics by Nero (PHL)

2020

Intro:
Para 'to sa salinlahi na nagkakaubusan
Kaninong braso ang kailangan para lang mabunuan
Anong sumusunod sa kalawakan? Marahil baka 'yun ang kawalan
Kayong tumutugong pasalamatan, sa dami ng mayro'ng karapatan
Gay'on kung totoong matatawaran, palagiang tanong kabayaran
Baka lang nataong bumubulong na malasaha'y tinapay na may itinatagong palaman (malamang)
Verse 1:
Umupo ka ng diretso saking kwento makinig
Ang pagmamahal niya eto, nirereto ang kilig
Sa dami ng panulak ng bolero ay lingid
Mabulunan sa imbentong puto seco sa bibig
Dadanak ang luhang "kailangan ng pondo"
Handa ba kayo magambag at abono?
Pagkakatakutan hangganan na 'to ay
Hadlang yan sa utak na dapat ay todo
Habang gumaganda ang buhay umaasa ka na tunay ang lahat ng retokado
Sa pamagat ng langit ay wala ng titulado
Kung naniniwala lamang para makasigurado
Doo'y kautusan na likas ang pagkatuso
Buong katuruang taliwas sa pagkatuto
Lopon at koponan ng mga templong nagkakurso
Nauto nang magustuhan ang disenyong nauuso
Refrain 1:
Nakakapanduga kapag nakakapanghula
Birong nakatanim mula sa kanilang nakakatawang lupa
Kasama magpakabaluga yung mga nagbabalat na tupa
Kalamidad ay nasa kabataan kaya nga ang tawag nila ay sakuna-kuna
Hook:
Kabilaan sa may kaliwa at kanan
Nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng
Langit may impyerno may demonyo may anghel
At tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril
Saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya!) utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!)
Saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya!) ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran
Instrumentals:
Sapagkat napakarami ng
(Rami ng) mapagsamantala at mapanlinlang
Ang ilan sa kaaningan at kapraningan
Nahibang sa kabaliwan handang malibang
Malian tama palitan at ang kanilang
Dahilan ay kasabihang nakagawian
Verse 2:
Gamit nalalaman na pamahiin na alam at
Makikita sa aklat kaibigan na tapat
Kanyang pakilala bagamat hindi paba sapat
Ang akala't hinala para pag isipan ang lahat
Masama at bawal ang bagay na napakasarap
Sa bawat kagat ay damang dama sa may balat
Wala pang ganap, sapagkat lahat nagpapanggap
Nangahas sa panlabas sawang sawa na magbalat
Malabo malilinawan patago ay lilitaw
Mata sa mata hanggang ako ay maging ikaw
Madala sa pananaw ay kusa ka na bibitaw
Pagkat walang mawawala, mas lalo lang maliligaw
Ang mga to sa anak at apo na
Ang namana lamang ay dala-dala na trauma
Pasa-pasa mga haka-haka at teorya
Mga kataka-taka mga gawa-gawa na storya
Refrain 2:
Ang mga narinig sa may sabi sabi ay sadya para magdalawa utak ng mga tao
At para makinig pa sa kabi-kabila nang naglalabanang mga luma at tsaka bago
Kaya sa paniniwala na iba iba ay nagaaway lamang ang bukas tsaka sarado
Pagkat wala ring tiwala sa isat isa, kaya nagaalalay sa bulag ay mga aso
Hook:
Kabilaan sa may kaliwa at kanan
Nasa itaas at nasa (nasa) ibaba ng
Langit may impyerno may demonyo may anghel
At tayo ay nasa gitna ng nakatutok na baril
Saming pastulan (braaa!) wag kalimutang (yaya!) utang ito at upang iyo na mapagipunan (ya ya!)
Saming pastulan (braaa!) pahintulutan (yaya!) ang pagkalito kung babalik o kusang tatalikuran
Post Chorus:
Bawat bala ay patungo sa
Mga bata na matandang nakakulong pa
Kawalan na pakawala san na pupunta
Nawala mga nawala san napupunta
Verse 3:
Siyang katanungan ay siyang kasagutan
Para pagbuksan ang nasaraduhan
Hanggang sa kung saan kahahantungan
Hangganang nagmula dyan ang katapusan
Mala lagusan daang papasukan
Lahat ay bulgar walang tataguan
Ang sangkatauhan at sangkahayupan
At 'yang mga tupa na nasa pastulan
Kristo, Allah, Vishnu, Brahma
Anito, Baal, andito pa nga ba?
Tingin mo Gaara sa pintong gawa sa
Gitnong payapa'y ehipto Sahara?
At sino ka ba sa pagpapakatao
Paghinulma ka ng mga nagawa mo
Nasa nitso lang ang ikatutuwa ng tao
Pagkat nobyong kasiyahan ay katotohanang balo
Credits

About “Pastulan” by Nero (PHL)

Read the complete lyrics to "Pastulan" by Nero (PHL) in 2020. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Filipino, Pinoy Hip-Hop, Philippines.

"Pastulan" is performed by Nero (PHL). in 2020 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Pastulan", explore more songs by Nero (PHL) using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Nero (PHL) · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Pastulan" is credited to Nero (PHL). Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "Pastulan" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Nero (PHL) artist page at /artist/nero-phl for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.