Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

Pahina Lyrics by Pricetagg

2020

[Verse 1: Pricetagg]
Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin?
Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
Sa usok ay sabog nilulunok na lang 'yung hangin
At isipin na busog baka bukas mapapalarin
Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
Mainit na kape sinasabaw ko pa sa kanin
Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing
Ngayon alam mo na ang sulat at ang sugat ko'y malalim
Inisip lang pagsubok 'to, hanggang kalian 'to tatagal
Hanggang daga sa'king dibdib unti-unting natatanggal
Bakal na puso ko, pa'no 'ko magmamahal? Natutulog ba ang Diyos?
Kaya pa'no ako magdadasal, yeah
Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
Akin na ang kontrata handa na ang lagda ko
Sa'kin ang titulo ng hinahangad kong palasyo
[Pre-Chorus: JP Bacallan]
Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko, eh ano (Eh ano?)
[Chorus: JP Bacallan]
Susulatan ko lahat ang mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa (Kahit maubusan pa 'ko ng tinta)
Susulatan ko lahat ang mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga, 'di na para ako ay tumigil pa
[Verse 2: Gloc-9]
Subukan natin bumalik, sa bawat daan na matinik kahit na hindi makahalik
Maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik
Kami pailan-ilan noon, mga taga-igib sa balon
Mababaw man o malalim, palarin man o malasin
Ay nakahanda na tumalon sa bangin man o sa tulay
Madilim at walang gabay, lahat ng bawal ay sinusuway
Gabi na'y naghuhukay makita lang sa'king kamay
Kahit maputik hatak sa lubid, laging uhaw at kulang sa tubig
Kung may mali, sige, umulit sa bagong papel, pangarap mo'y iguhit
[Pre-Chorus: JP Bacallan]
Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko, eh ano? (Eh ano?)
[Chorus: JP Bacallan]
Susulatan ko lahat ang mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa (Kahit maubusan pa 'ko ng tinta)
Susulatan ko lahat ang mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga, 'di na para ako ay tumigil pa
[Verse 3: Pricetagg]
Naging bulag, pipi't bingi sa payo ng iba
Tinakwil na nga 'ko ng aking ama't ina
Kausap ang sarili, sa'n ba 'to mapupunta?
Rehab, kulungan, kamatayan, mamili ka?
Pero hindi, kailangan ko nang matakasan
At isulat sa papel lahat ng naranasan
Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan
Mga pikit ang pananaw, may araw akong titignan
Tamis ng tagumpay, unti-unti 'ko nang matitikman
Nasa'n korona, ang ulo ko ay lalagyan
Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
Tawid dagat nilakbay ko kaya hindi na biro
Madalasan din maiwanan ang aking anino
Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
Sa Marlon, Aristotle, Andrew, at Kiko
[Pre-Chorus: JP Bacallan]
Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko, eh ano? (Eh ano?)
[Chorus: JP Bacallan]
Susulatan ko lahat ang mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa (Kahit maubusan pa 'ko ng tinta)
Susulatan ko lahat ang mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga, 'di na para ako ay tumigil pa
Credits

About “Pahina” by Pricetagg

Read the complete lyrics to "Pahina" by Pricetagg in 2020. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Pinoy Hip-Hop, Philippines, Filipino.

"Pahina" is performed by Pricetagg. in 2020 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Pahina", explore more songs by Pricetagg using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Pricetagg · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Pahina" is credited to Pricetagg. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "Pahina" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Pricetagg artist page at /artist/pricetagg for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.