Lyrks
Lyrks
Lyrks
Cover Art

Alaala ni Batman Lyrics by Radioactive Sago Project

Urban Gulaman

0

Bale, 1986 no'ng una kong nakilala si Batman
Wala pang ABS-CBN no'n
Sa BBC 2 pa no'n e, panahon ni Marcos na malapit nang
Mamatay
Wala rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda
Sikat pa si German Moreno no'n eh
Sabi ko, "shit, ang galing neto ah"
Natulala ako no'ng una kong napanood si Batman
"Shit, ang galing nito", sabi ko sa sarili ko
Ang galing, galing, galing, galing ng itsura ni Batman
Parang kinatam ang mukha
Ang galing ng costume, umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong
Ang galing ng gadgets n'ya, ang gara ng kotse
Ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles
Ang galing mangarate, actually, pulbos nga 'yung lahat ng
Kalaban n'ya eh
Palagi ko s'yang pinapanood no'n tuwing hapon
Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin
Dahil gusto niyang manood ng Lotlot and Friends at saka That's Entertainment
Pero ako, isa lang talaga'ng gusto kong panoorin
Isa lang 'yung idol na idol na idol na idol ko talaga
Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman no'n
'Di bale na si Robin, ayoko si Robin kasi parang bading
Ano kaya'ng relasyon nila ni Batman
Pero, idol ko talaga si Batman no'n
Palagi ko siyang dino-drawing, palagi ko siyang ginagaya
Lahat ng bagay na Batman, gustung-gusto ko at meron ako
'Yung T-shirt ko Batman, 'yung lunch box ko Batman
'Yung pencil case ko, 'yung panyo, sumbrero
'Yung toothbrush, 'yung brief ko, lahat 'yon Batman
Mahal na mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami
Palagi n'ya akong ibinibili ng mga Batman na bagay
Pero minsan, gusto ko talaga ng Batmobile na laruan
Nagpabili ako sa kanya
Sabi ko, 'Tay, bili mo naman ako ng Batmobile o"
Pero kakatanggal n'ya lang ata sa trabaho no'n at wala na
Siyang pera
Kasi kasali yata sa unyon, nagwala sa piketline kaya ayun natanggal
Kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas
At binutasan na lang at kinabitan ng tansan
At do'n ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal
At, at lumipas na nga ang mga taon
At si Batman ay halos tuluyan nang naglaho mula sa aking alaala
Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan
Alam kong naroon pa rin si Batman
Isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim
At misteryo sa loob ng aking utak at kuwarto
At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin
Nagulo na ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay
Dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa
Ang mga taong akala mo'y kaibigan pa rin 'yun pala'y tarantado
Mga artistang araw-araw napapanood sa TV na mga bobo
Mga pulitikong bobo
Mga trabahong maliit lang ang sweldo
Isang milyong bundok na mga problema
Isang baha ng hinanakit, isang mundo ng hinagpis
Hindi ko na matagalan, hindi ko matiis, hindi ko na kaya
Ngayon, hindi ko na talaga kaya, hindi ko na talaga kaya
Hindi ko na kaya
May narinig akong putok mula sa kaibuturan ng aking utak
Bumigay na ang tali, sumabog na ang bulkan, nabasag na ang pula
Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi
Ako ay narito na sa tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala
Ang sarap ng hangin na umiihip-ihip sa aking kapa
Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga
Kamay
Malapit na akong lumipad, malapit na akong lumipad, malapit
Na akong lumipad
Lipad Batman, lipad, lumipad ka, lumipad ka
Lumipad ka papuntang langit, lumipad ka, lumipad ka
Nakataas ang aking mga kamay, nakataas ang aking mga kamay
Eh pero, bigla kong naisip, hindi naman pala lumilipad si
Batman, 'di ba
Hindi naman pala lumilipad si Batman
Hindi naman pala lumilipad si Batman kaya, paalam, malupit
Na mundo
Paalam, mahal
Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po
Lolo sa tuhod, paalam po
Lola sa siko, paalam po
Bantay, paalam
Muning, paalam
Ewan ko kung sinong 'papakain sa inyo
Paalam po, Aling Tekla
Paalam po, Mang Goryo
Tsaka ko na lang po babayaran 'yung sukang inutang ko sa 'yo
Paalam, Junjun
Paalam, Bongbong
Babay, Rose, hoy, babay
Babay Pini
Babay Baby
Babay Pablo, Asis, Rastem, BJ, Jay, sige 'yan
Wowie, sige pare, Pards, Arwin, ingat kayo
Sige paalam

About “Alaala ni Batman” by Radioactive Sago Project

Read the complete lyrics to "Alaala ni Batman" by Radioactive Sago Project from the album "Urban Gulaman". On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Rock.

"Alaala ni Batman" is performed by Radioactive Sago Project. from the album "Urban Gulaman" This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Alaala ni Batman", explore more songs by Radioactive Sago Project using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Radioactive Sago Project · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Alaala ni Batman" is credited to Radioactive Sago Project. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

"Alaala ni Batman" appears on "Urban Gulaman".

Visit the Radioactive Sago Project artist page at /artist/radioactive-sago-project for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.