Lyrks
Lyrks
Sign In
Cover Art

Opo Lyrics by Shehyee

2023

[Chorus]
Sabi ng Nanay ko, "Anak, itigil mo 'yan"
Wala kang mapapala, kaka-kompyuter mo diyan
'Di niya maintindihan
Pero okay lang 'yan
Sabi ng Tatay ko, "Anak, itigil mo 'yan" (Sige, opo, oo na lang)
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang (Opo, oo ka lang)
'Di niya maintindihan (Opo, oo na lang)
Pero okay lang 'yan (Opo, oo ka lang)

[Verse 1]
Uh, pasensya na, matigas ulo
Umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to sa dulo
Sorry, gusto ko kasi talaga
Hindi ko pababayaan ang aking eskwela
Kaya 'wag ka mag-aalala
Ang ganda nung umpisa, nababalanse ko pa
Kahit yayain ako ng kaklaseng mag-cutting ay hindi nagpapadala
Kaso lang sa paglipas ng panahon
Ihip ng hangin, nag-iba
Oh, pati perang pang-enroll na iyong padala, sa Dota'y aking nadala

[Chorus]
Kaya ang sabi ng Nanay ko, "Anak, itigil mo 'yan"
Wala kang mapapala, kaka-kompyuter mo diyan
'Di niya maintindihan
Pero okay lang 'yan
Sabi ng Tatay ko, "Anak, itigil mo 'yan"
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang
'Di niya maintindihan
Pero okay lang 'yan

[Verse 2]
Oh, pasensya na, matigas ulo
Umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to
Sorry, gusto ko kasi talaga
Hindi ko pababayaan ang aking━
Ah, basta 'wag ka na mag-aalala
Ang ganda nung umpisa, nababalanse ko pa
Nais ko lang naman kasi talagang mangyari ay gumawa ng kanta
Kaso lang sa paglipas ng panahon
Sa battle rap na napunta
Ito't ang inyong anak na inyong minahal, andoon at pinagmumura

[Chorus]
Kaya ang sabi ng Nanay ko, "Anak, itigil mo 'yan"
Wala kang mapapala sa kakarap mo diyan
'Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng Tatay ko, "Anak, itigil mo 'yan"
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang
'Di niya maintindihan
Pero okay lang yan

[Refrain]
Sige, opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Opo, oo na lang
Opo, oo ka lang

[Verse 3]
Gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
"Anak, pag-aaral mo? Kamusta? May bagsak ka ba?"
"'Ma, marami, dalawa lang ang aking napasa"
"Joke lang, 'Ma, paano babagsak eh 'di naman nag-enroll talaga"
Gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
"Anak, 'yang pag-rarap mo? Kamusta? Nananalo ka ba?"
"'Pa, palagi, ano ba 'yan, nagtatanong ka pa?"
"Joke lang, 'Pa, sampu na ang aking talo, panalo ko ay dalawa"
Kaya malamang sasabihin niyo na naman sa akin, dapat nakinig na ako
Nakinig naman ako, hindi lang sumunod, eh, kayo, nakinig ba kayo?
'Di ba ang lagi niyong sinasabi sa akin, "Dapat itigil ko na 'to"
"Hindi naman ako magaling sa ganito?"
"Magaling lang kapag gagawin gusto niyo"
Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag, hindi na agad ang sagot
Minsan, kahit hindi pa nga 'ko bumabanat, hindi na agad, nakakalungkot
Pero ako ay nakangiti pa rin dapat kasi kapag nagsimangot, nako 'yari, lagot
Opo, 'di dahil merong respeto, opo, dahil takot
Opo, para tapos na agad (Agad) para wala nang gulo
Opo, kasi 'di ba ako'y bastos kapag ang sagot ko ay hindi niyo gusto
Opo na lang, opo hanggang nakatira pa ako sa inyo
Kayo ang magulang at anak lang ako
Matanong ko lang, bakit? Choice ko ba 'to?
Mismong aking pagkabuhay, kayo ang nagdesisyon
Tapos gusto niyo pa kayo rin masunod sa mga gagawin ko ngayon?
Wala ba akong kwentang anak?
Dahil dito sa aking mga sinasabi?
Sana nga, eh, kaya ko 'tong sabihin lahat
Kaso sa isipan ko lang lahat 'to nangyari (Wala eh)

[Chorus]
Sabi ng Nanay ko, "Anak, itigil mo 'yan"
Wala kang mapapala, kaka-kompyuter mo diyan
'Di niya maintindihan
Pero okay lang 'yan
Sabi ng Tatay ko, "Anak, itigil mo 'yan"
Wala kang mapapala, mag-aral ka na lang
'Di niya maintindihan
Pero okay lang 'yan

[Refrain]
Sige, opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Sige, opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Opo, oo na lang
Opo, oo ka lang
Credits

About “Opo” by Shehyee

Read the complete lyrics to "Opo" by Shehyee in 2023. On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Pinoy Hip-Hop, Philippines, Filipino.

"Opo" is performed by Shehyee. in 2023 This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL. Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data. If you enjoy "Opo", explore more songs by Shehyee using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.

View all songs and biography for Shehyee · Trending lyrics · Billboard Hot 100

Frequently asked questions

"Opo" is credited to Shehyee. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.

Album information for "Opo" is not available in our database yet. You can still read the full lyrics on this page.

Visit the Shehyee artist page at /artist/shehyee for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.


Lyrks
Lyrks

Your gateway to the world of music lyrics.

Product

Features


© 2026 Lyrks. All rights reserved.