[Hook: Sly Kane] Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo Huminahon ka [Verse 1: Gloc-9] Hoy, pakiulit nga? Kilala mo ba 'yan? Katatapos lang ang palaging tanong ay pang-ilan Simula pa lamang 'to, huwag kang malilito Ito ang kauna-unahang kanta ko sa pangpito Ano bang sabi ko? Nakinig ka ba dati? Parang gamot na 'di ininom kapag may bulate Panigurado 'to na para bang umatake Ang nabubulok na sikmura, kailangan mong tumae Mawalang galang na at pasintabi po Magka-prangkahan na sa mga baliko Ilang beses ko bang uulitin? Pilitin, huwag mong pigilin, aminin ang mabaho kahit pa ligo Tila hindi pa rin naiintindihan Kung ano'ng kaya kong gawin at ano'ng dahilan May mga araw ding napag-iiwanan Dahil ako 'pag tinabi sa inyo ay walang kaibahan [Hook: Sly Kane] Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo Huminahon ka [Verse 2: Gloc-9] Ako’y isang ama tulad din ng iba Nagtatrabaho at ang dahilan lang ay isa Ang mapakain ang aking mga supling Umaga, tanghalian, hapunan, pagsapit ng dilim Gamit ang tintang itim, asul man o pula O lapis na wala pang naimbentong pambura Huwag kang mayabang sa daanan, huwag humarang "Dapat marunong gumalang," payo sa’kin ng aking ama Pati ng aking ina, inukit sa kukote Piningot sa tenga na parang pamihit na liyabeng Yari sa aserong tulad ng baryang pamasahe Kapag kinulang ay maglalakad na lang sa kalye 'Di lahat ng bagay ay parang laruan Na 'pag ika’y naglupagi sa sahig, agad kang pagbibigyan Ang tatanda ka rin ay may kaibahan Sa magtatanda ka rin kaya palaging tandaan [Hook: Sly Kane] Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo Huminahon ka Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo Huminahon ka [Outro: Sly Kane] Hingang malalim Hingang malalim Hingang malalim Huminahon ka
Read the complete lyrics to "Huminahon Ka" by Gloc 9 from the album "Liham at Lihim". On Lyrks you can follow along with the full text, explore the artist's discography, and discover related songs. The track is often categorized under Aa (Check Description), Pinoy Hip-Hop, Hip-Hop.
"Huminahon Ka" is performed by Gloc 9. from the album "Liham at Lihim" This page provides the full lyric text for fans who want to sing along, study the songwriting, or compare versions across releases. Lyrks organizes lyrics by artist and song slug so you can bookmark and share a stable URL.
Music lyrics help listeners connect with emotion, narrative, and rhythm in a track. Whether you are learning English, researching a favorite chorus, or preparing for karaoke, having accurate line breaks and section labels (verse, chorus, bridge) makes the experience easier. We link to the official artist profile on Lyrks where available, including biography snippets, top songs, and chart placements when we have that data.
If you enjoy "Huminahon Ka", explore more songs by Gloc 9 using the links below. Chart and trending pages on Lyrks highlight what listeners are searching for this week. For copyright or correction requests, see our DMCA and contact pages.
"Huminahon Ka" is credited to Gloc 9. Songwriting credits may include additional writers listed on the release; check the credits section on this page for linked collaborators.
"Huminahon Ka" appears on "Liham at Lihim".
Visit the Gloc 9 artist page at /artist/gloc-9 for biography, popular tracks, and links to more lyric pages.